Tuesday, July 28, 2015

No. 1 most wanted sa lalawigan ng Aklan, todas sa engkwentro

Posted July 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit to Shenggay Tirazana Reunir
Tama sa ulo at katawan ang ikinamatay ng No. 1 most wanted person sa Aklan na si Giovanie “Abad” Masula matapos na ito ay makipag-engkwentro sa mga pulis.

Ayon kay Aklan Provincial Intelligence and Investigation Bureau Chief PSInspector Bernard Ufano, nangyari umano ang insidente dakong alas-4:25 ng madaling araw sa Brgy. Usman, Malinao kung saan sakay si Masula sa isang motorsiklo kasama ang dalawang lalaki na sina Reymund Tambong at Arches Legaspi.

Dito umano nila pinarahan ang motorsiklo kung saan bumaba naman ang mga sakay nito at doon nga nila positibong nakilala si Masula ngunit mabilis umano itong bumunot ng dala-dalang baril at doon na nagsimula ang putukan.

Dahil dito isa umanong pulis na kinilala namang si P03 Roy Iquin ang nagtamo ng daplis sa kanyang ulo matapos ang pagpapaputok ng suspek.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nasa brgy. Usman ang nasabing suspek matapos nitong bisitahahin ang kanyang anak na may sakit kung kayat inabangan nila ito madaling araw pa lamang hanggang sa sakto namang nakasalubong nila ito at dito na naganap ang palitan ng putok na agad namang ikinamatay ni Masula.

Ayon pa kay Ufano hinuli rin nila ang dalawang lalaki na kasama ni Masula na sina Tambong at Legaspi sa tulong na rin ng CIDG na kasama nila sa operasyon.

Napag-alaman na ang no. 1 most wanted na si Masula ay nahaharap sa mga kasong Murder at Homicide.

No comments:

Post a Comment