Posted July 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ngayon ang ginagawang kampanya ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) laban sa "Say NO to Child Sex Tourism!" sa
isla.
Ito ay sa pangunguna ng Women and Children Protection
Desk (WCPD) personnel para ipalaganap ang kampanya sa Child Sex Offenders sa
pamamagitan ng pamamahagi ng Informative prints at reading materials.
Ilan sa nakapaloob sa mga ipinamigay na babasahin ay ang
“There is no excuse; sex with children is a crime, be responsible tourist at
“say no to child sex tourism”.
Dito hinihikayat din nila ang mga turista na e-report sa
kanilang tanggapan kung may nalalaman silang nangyayaring sex tourism sa isla.
Nabatid na nagdikit din ang Boracay PNP ng mga sticker na
naglalaman ng nasabing kampanya sa lahat ng mga bumibeyahing tricycle sa
Boracay kasama na ang ilang private vehicle upang mas lalo pang mapalakaw ang
kanilang kampanya.
Samantala ang pakikipagtalik sa mga kabataan lalo na sa
mga menor de-edad ay isang krimin na lumalabag sa batas na (Republic Act 7610)
o The Special Potection of Children Against Child Abuse, Exploitation and
Discrimination Act.
No comments:
Post a Comment