Friday, July 31, 2015

DOT sinigurong mananatili ang Kalibo International Airport bilang Aklan Province and Northern Panay’s Premier Gateway

Posted July 31, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay

Siniguro ngayon ng Department of Tourism (DOT) Region 6 na mananatili parin ang Kalibo International Airport bilang Aklan Province and Northern Panay’s Premier Gateway.

Ito’y dahil sa kabila ng ginagawang expansion project ng TransAir sa Caticlan Airport sa bayan ng Malay sa Aklan na gagawin namang International Airport at inaasahang matatapos sa taong 2018.

Dahil dito siniguro ngayon ng DOT Officials na ang Kalibo International Airport na nakatayo 76 kilometers mula sa isla ng Boracay ay kanilang e-propromote bilang long-haul flights.

Ayon naman kay DOT Regional Director Helen Catalbas, ang dalawang airport ay uunlad ng sabay kung saan ang Caticlan ay magiging short haul flights.

Samantala, ang Kalibo International Airport ay nasa ilalim ng pamamalakad ng gobyerno sa pamamagitan ng Civil Aviation Authority of The Philippine (CAAP) kung saan tumatanggap ito ng direct flights mula South Korea via Kalibo at Taiwan via Manila at iba pang flights mula sa ibang bansa.

No comments:

Post a Comment