Wednesday, July 29, 2015

Muslim kalaboso sa buybust operation sa Boracay, isa nakatakas

Posted July 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for drugsKalaboso ang isang lalaki sa isinagawang buybust operation sa Sitio. Ambulong Brgy. Manoc-Manoc Boracay, Malay Aklan kaninang madaling araw.

Nahuli ang suspek na si Abulkhais Monib y Casim alyas “Abu” 41-anyos residente ng nasabing lugar ng pinagsamang pwersa ng Regional Anti Illegal Drug Special Operation Task Group sa pangunguna ni RAIDSOTG Chief PSUPT Leonardo Angcon at Police Inspector Deo Gracias Diaz III Deputy Chief ng RAIDSOTG kasama ang Boracay Tourist Assistance Center at sa pakikipag-tulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 6.

Maliban dito nahuli din sa isinagawang Anti-illegal drug operation si Abdulazis Monib ngunit mabilis nitong natakasan ang mga otoridad.

Dahil dito nakuha ng poseur buyer sa posisyon ng suspek ang isang plastic sachet na pinaniniwalaang shabu, P2, 000 buybust money, limang elongated heat sealed plastic sachet na pinaniniwalaang ilegal na druga.

Sa ngayon pansamantalang ikinustudiya ang suspek sa Boracay PNP Station habang patuloy naman ang ginagawang manhunt operation sa nakatakas na suspek.

Samantala, itinurn-over na rin sa Aklan Police Provincial Crime Laboratory sa New, Buswang, Kalibo, Aklan ang mga nakuhang illegal na druga.

No comments:

Post a Comment