Tuesday, July 28, 2015

Mobile Licensing ng NTC sa Boracay sinimulan na

Posted July 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sinimulan na ng National Telecommunication Commissions (NTC) ang kanilang Mobile Licensing sa Marzon Hotel isla ng Boracay ngayong araw.

Ayon kay NTC Region 6 Engineer Lea Doromal, may mga pumunta na umanong mga Business establishment sa Boracay na nagbibinta ng cellphone na walang permit mula sa NTC ang nakipag-ugnayan sa kanila upang makakuha ng naturang permit.

Maliban dito nag-ikot ikot din umano sila sa mga hotel at resort na gumagamit ng radio transceiver para paalalahanan na kaukulang permit sa NTC para sa kanilang legal operation.

Paalala pa nito na kung bigo silang makakuha ng permit sa NTC ay magiging maaaring maipasara ang kanilang establisyemento, pagbayarin o pagkumpiska ng kanilang ibinibintang cellphone o ginagamit na transceiver sets.

Nabatid na ang Mobile Licensing ng NTC ang matatagal hanggang ngayong Biyernes at muling babalik sa Agusto 9-21, 2015 para sa mga bigo pang makakuha ng permit.

No comments:

Post a Comment