YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 07, 2015

Romanian national, ninakawan ng 400 Euro at gamit sa Boracay

Posted January 7, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dumulog sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang Romanian national matapos na umano’y ninakawan sa kanyang kwarto sa Boracay.

Sumbong ng biktimang si Andrasciuc Andrei, 26 anyos, bandang alas dyis kagabi nang magising ito sa loob ng kanyang tinutuluyang kwarto sa Balabag Boracay at nalaman na nawawala na ang kanyang pouch na nakapatong sa misa.

Nang suriin ng biktima ay saka nalaman na nawawala na umano ang kanyang pitaka na naglalaman ng mga IDs, visa card at 400 Euro.

Samantala, nabatid na isang guest din ng nasabing resort ang umano’y ninakawan ng hindi nakilalang suspek.

Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso.

No comments:

Post a Comment