YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 05, 2015

Oil spill, pinangangambahan mula sa sumadsad na barge sa New Washington, Aklan

Posted January 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inaabangan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pinangangambahang oil spill mula sa sumadsad na barge sa Barangay Cawayan sa New Washington, Aklan.

Base sa impormasyon, sinabi sa text message ng boat captain ng M/V SF Carrier na nag-shelter o sumilong lamang umano sila dahil sa malakas na alon.

Subalit kinumpirma naman ng Coast Guard na nakabase sa New Washington Aklan na sumadsad ang nasabing barko alas tres ng madaling araw kahapon makaraang mag-deliver ng semento sa Aklan.

Samantala, sa ngayon ay nakuha na ang nasabing barge sa lugar subalit sa kabila nito ay tinututukan parin ng Coast Guard ang lugar dahil sa posibilidad ng oil spill.

No comments:

Post a Comment