YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 08, 2015

Hostage taking sa Caticlan Jetty Port, itinanggi ni Apellido

Posted January 8, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Hindi umano isang hostage taking ang nangyari sa Caticlan Jetty Port nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Aklan Police Provincial Office (APPO) officer-in charge Senior Superintendent Iver Apellido, may problema lamang sa pag-iisip at nagwala ang suspek na si Diodelson Billona, 30 anyos ng Montalban Rizal taliwas sa mga lumabas na impormasyong nanghostage ito sa limang taong gulang na bata doon.

Ayon kasi kay Apelido, dapat may demand o hinihingi ang suspek kapalit ng kalayaan ng kanyang hino-hostage.

Samantala, nabatid mula sa Malay PNP na dinala na kahapon sa Kalibo Prosecutor’s Office si Billiona para sa inquest proceedings.

Magugunitang nangyari ang insidente nitong nakaraang Martes ng gabi kung saan sinasabing sinakal ng suspek ang limang taong gulang na bata.

Nabatid na taga Binguan Iloilo ang pamilya ng bata na dadalo sana sa birthday ng kamag-anak sa Boracay.

No comments:

Post a Comment