YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 08, 2015

Operation Bakal, isinasagawa ng BTAC sa Boracay

Posted January 8, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy ang isinasagawang “Operation Bakal” ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa isla ng Boracay.

Nitong Martes, nagsagawa muli ang BTAC ng nasabing operasyon sa pamumuno ni BTAC Deputy OIC P/Insp. Alfonso Manoba kasama ang pitong opisyal ng mga pulis.

Kaugnay nito, ayon sa BTAC sa mga naisagawa nilang “Operation Bakal” ay wala namang mga malalaking insidente/aksidente na nangyayari sa isla.

Gayunpaman, magpapatuloy pa rin umano ang kanilang pagsasagawa ng ganitong operasyon upang maiwasan ang mga krimen na posibleng mangyaring sa isla.

Samantala ang “Operation Bakal” ay karaniwang ginagawa ng mga pulis upang ma-monitor o mabantayan ang isang lugar at masiguro ang seguridad.

No comments:

Post a Comment