YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 06, 2015

Lalaki, umano’y nambastos sa isang Congressman at nang-harass ng babaeng Korean national sa isang bar

Posted January 6, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inereklamo sa himpilan ng BTAC ang isang lalaki matapos na umano’y nambastos ng isang Congressman at nanghila ng babaeng Korean national.

Nangyari ang insidente sa isang bar sa Balabag Boracay bandang alas dos kaninang madaling araw.

Ayon sa blotter report ng BTAC, nag-uusap umano ang hindi na pinangalanang Congressman at babaeng Korean national nang lumapit ang suspek na si “Nicolai”, 25 anyos ng Makati City at nagbabakasyon din sa isla.

Sumasali umano sa usapan ang suspek at tila binabastos ang nasabing Congressman at hinila pa ang kausap nitong Korean national.

Dahil dito, sinabihan ng bouncer ang suspek na VIP Guest at isang Congressman ang kanyang iniisturbo, kaya naman kaagad din umano itong umalis.

Subalit, ilang sandali pa ay inulit na naman nito ang kanyang ginawa, kung kaya’t pinapalabas na ito ng bouncer sa bar, bagay na tinulak sya ng suspek at binuhusan ng inumin.

Nakita naman ng nakabantay na pulis na si PO1 Laurino ang nasabing pangyayari at kaagad na dinala ang mga ito sa BTAC.

Samantala, nang sa himpilan na ng mga pulis ay humingi umano ng tawad ang suspek sa mga biktima na kaagad namang pinagbigyan at hindi na rin ito sinampahan pa ng kaso.

No comments:

Post a Comment