YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 05, 2015

BRTF, magiging abala na ulit matapos ang mahabang holiday break

Posted January 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Magiging abala na ulit ang Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) matapos ang mahabang holiday break.

Ito’y dahil sa maliban sa mga inaasikasong problema at isyu sa isla, pinaghahandaan na rin ngayon ng nasabing tanggapan ang paparating na Ati-Atihan Festival sa Boracay at APEC Summit.

May mga nakahanda na rin umano ang mga itong plano upang mas lalo pang maalagaan ang Boracay bilang bahagi ng Tourism Industry sa Pilipinas.

Maliban dito, tututukan din ng BRTF ang mga programang ipinapatupad ng lokal na pamahalaan sa Boracay lalo na sa isyu ng mga road widening at mga building permits.

Nabatid na magiging abala din ngayong 2015 ang iba pang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan dahil sa renewal ng mga iba’t-ibang permits.

No comments:

Post a Comment