YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 07, 2015

Hotels, pension houses sa Kalibo, punuan na dahil sa Ati-Atihan festival

Posted January 6, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

"No vacancy" na ang sagot ng halos lahat ng mga hotel, lodging houses at pension houses sa Kalibo, Aklan.

Ayon sa mga managers at receptionists ng naturang mga establisyemento, hindi na karaniwan ang ganitong sitwasyon dahil sa dalawa o isang Linggo pa lamang bago ang Sto. Niño Ati-Atihan festival ay marami na ang nagpapa-book sa kanila na mga bisita na karamihan ay mga turista at balikbayan.

Samantala, nabatid din na kahit ang ilang mga “apartment style” at mga bakanteng kwarto ng mga bahay ay inuupahan na rin ng mga bisita upang may matuluyan sa pagsaksi ng nasabing selebrasyon.

Ang Ati-Atihan sa Kalibo Aklan ay kilala bilang "Mother of All Festivals" sa Pilipinas na ginaganap naman tuwing ika-tatlo ng Linggo, kung saan naka-iskedyul ito ngayon sa January 9 to 18, 2015.

No comments:

Post a Comment