YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 08, 2015

Pamamaril sa negosyanteng Koreano nitong nakaraang buwan, patuloy na tinututukan ng Boracay PNP

Posted January 8, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy na tinututukan ng Boracay PNP ang kaso ng pamamaril sa negosyanteng Koreano nitong nakaraang buwan.

Kaugnay nito, nabatid na iba’t-ibang anggulo ang tinitingnan ngayon ng mga kapulisan sa naging motibo ng nasabing krimen.

Magugunitang nangyari ang insidente sa tinutuluyang apartment ng Koreanong negosyante na si Jongchul Park, 48 anyos, may-ari ng White House Korean Restaurant Sitio Ambolong Manoc-manoc, Boracay.

Ayon sa report, mag-isa sa kanyang apartment nang barilin ito ng hindi nakilalang suspek.

Bagama’t nabatid parin sa police report na hindi nasugatan ang biktima, nasira naman ang ilan niyang gamit doon na pinaniniwalaang dahil sa tama ng bala.

No comments:

Post a Comment