YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 05, 2015

Lutuan sa isang bahay sa Sitio Bantud, Manoc-manoc Boracay, nasunog

Posted January 5, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Takot ang naramdaman ng mga residente ng Sitio Bantud, Manoc-manoc Boracay nang makita ang makapal na usok.

Galing ito sa nasusunog na dapugan o lutuan sa isang bahay na pinagmamay-ari ni Libly Gentallan.

Nangyari ang sunog dakung alas 3:36 kahapon na kaagad namang naapula ng mga taga Bureau of Fire Boracay at Boracay Action Group.

Sa inisyal na imbistigasyon ng Bureau of Fire Boracay, gawa sa light materials ang nasabing dapugan.

Wala umanong tao sa bahay nang mangyari ang insidente.

No comments:

Post a Comment