YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 05, 2015

Kapitan ng bangkang lumubog kahapon sa Sitio Bolabog, Boracay, ipinatawag na ng Philippine Coastguard

Posted January 5, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ipinatawag na ng PCG o Philippine Coastguard ang kapitan ng bangkang lumubog kahapon sa Sitio Bolabog, Boracay.

Kinilala ng PCG Boracay ang kapitan ng bangkang si Garry Visca ng Pandan, Sta.Fe Romblon.

Ayon sa Philippine Coastguard, may pananagutan ang kapitan ng bangkang Brosis sa insidente kahapon lalo pa’t sumobra ito sa kanyang loading capacity.

Nabatid kasi na umabot sa 56 ang sakay ng bangka kasama na ang crew nito at mga bata sa kabila ng loading capacity na 26 lamang.

Maliban dito, wala rin umano silang manipesto at hindi rin dumaan sa Caticlan Port, kung kaya’t malaya silang nakabiyahe kahit over loaded.

Samantala, nabatid na lumubog ang bangka nang pasukin ng tubig dahil sa malalaking alon.

Suwerte namang sumaklolo kaagad ang ilang sea sports operators at bangka sa lugar kung kaya’t nailigtas ang mga pasahero.

Napag-alamang pauwi sa Romblon ang bangka galing sa Caticlan.

No comments:

Post a Comment