YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 10, 2015

Babae sa Boracay nabiktima ng text scam, mahigit 70 libong piso natangay

Posted January 10, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang babae sa Boracay ang natangayan umano ng mahigit 70 libong piso dahil sa text scam.

Sa report ng Boracay PNP, nakatanggap ng text message ang biktima nitong nakaraang December 30, 2014 na nanalo umano ito ng P 780, 000.00.

Kaagad namang tinawagan ng babae ang numero ng nag-text sa kanya kung saan isang nagpakilalang Atty. Ricardo Rivera na staff umano ng Central Bank Office ang kanyang nakausap.

Ayon sa nagpakilalang taga Central Bank Office, nagpapa-raffle ang Central Bank kada sampung taon at ang numero nito ang nanalo.

Ilang saglit pa, isang Grace Lopez na head personnel umano ng Smart Padala ang tumawag sa kanyang cell phone at inutusan itong magpadala ng P 2, 800.00 bilang raffle payment.

Ayon pa sa report, kabuuang P 72, 000.00 ang natangay ng mga suspek mula sa biktima.

No comments:

Post a Comment