Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nananawagan ang Department of Tourism o DOT Boracay kaugnay
sa mga sira-sira at binabahang kalsada sa isla ng Boracay.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, mahalagang
maaksyonan ito ng mga kinauukulan partikular na ang kalsada sa may palabas ng
police station na matagal ng pinoproblema ng mga resort at establishment owners
at motoristang dumadaan doon.
Maliban kasi sa mga nasirang mono blocks ay lubak, lubak
na rin ang daan dahilan para itoy bahain at hindi halos madaanan ng mga tao sa
tuwing umuulan.
Matatandaang matagal na rin itong naging concern ng ilang
turistang napapadaan sa nasabing kalsada at napag-usapan na rin ito sa mga
nagdaang session sa Malay.
Nais namang mangyari ng DOT na maging maganda ang mga
kalsadahin sa Boracay para maiwasan ang ibat-ibang reklamo na kanilang
natatanggap lalo na sa mga turista.
Samantala, patuloy parin ngayong binabaha ang ilang
kalsadahin sa isla kahit na walang nararanasang pag-ulan dahil sa mga sirang
mga tubo ng tubig at baradong mga kanal.
No comments:
Post a Comment