Ni Bert Dalida,
Yes FM Boracay
Ito ang iginiit
kahapon ng ilang sea sports operators sa isla, kaugnay sa kanilang isinusulong
na unified rates.
Sa kanilang
pag-uusap kahapon kasama si MTO o Malay Tourism Officer Felix delos Santos.
Sinabi ng mga taga
Water Sports Association of Boracay na maiiwasan ang pananamantala ng mga illegal na komisyoner sa mga turista
kung sila mismong mga operators ang magkasundo sa halaga ng kanilang sea sports
activities.
Matagal narin
umano kasi silang naapektuhan dahil sa umano’y over pricing ng mga nasabing
komisyoner.
Samantala,
kinumpirma din ng mga ito na mahigit-kumulang tatlong linggo na nilang
ipinapatupad ang kanilang unified rates.
Maliban sa
unified rates ng mga sea sports activities, magbibigay din umano ang mga ito ng
10 porsiyentong unified compensation para sa mga coordinator.
No comments:
Post a Comment