Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www.facebook.com |
Naging record-breaking ang Kalibo Sr. Sto. Niño
Ati-Atihan Festival ngayong taon dahil sa sobrang dami ng tao ang nakidalo at
nakisaya.
Halos hindi mahulugan ng karayom ang pastrana park
kahapon dahil sa mga taong nanunuod ng parada at sumasali sa Street dancing.
Isa naman sa tinitingnang rason ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan
Festival Inc. o KASAFI ay ang magandang panahon kahapon.
www.kalibo Ati-Atihan.ph |
Samantala, hindi lamang ang mga local tourist ang nakiisa
sa selebrasyon kundi maging ang mga foreign tourist na tuwang-tuwa dahil sa
makulay at masayang selebrasyon.
Sa kabilang banda, halos umabot ng apat na oras ang
ginanap na religious procession dance sa kahabaan ng pastra park patungong
Mabini Street at Roxas Ave. bago nakabalik ng St. John the Baptist Cathedral.
Mahigit sa 1,000 personnel, Philippine Army at civilian
volunteers ang nagbantay ng siguridad kung kayat wala namang naitalang malaking
insidente ang PNP na itinuturing din nilang generally peaceful ang kabuuang
selebrasyon.
Masaya naman ang KASAFI, dahil sa matagumpay na
pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival 2014 na nagsimula nitong Enero-10 at
nagtapos kahapon Enero-19.
No comments:
Post a Comment