Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isang petisyon ang inihain sa bayan ng kalibo kung
saan ipinapatanggal ng isang partido political na Tibyog Akean ang Mayor ng
Kalibo na si William Lachica sa Liberal Party nitong nakaraang taon lamang.
Nabatid kasi sa nasabing petisyon na komplikado ang
katayuan ni Lachica sa partido Liberal dahil sa di umano’y hindi sya nakikiisa
sa grupo nina Aklan Gov. Joeben Miraflores at Congressman Teodorico Haresco Jr.
Nag-ugat din di umano ang iringan sa pamamahagi ng
relief goods sa Kalibo matapos na manalasa ang bagyong Yolanda sa bansa.
Samantala, iginiit naman ng Alkalde na bagamat
masama ang kanyang loob sa nangyayari, tanggap naman nya kung matatanggal sya
sa nasabing partido.
Ito’y dahil sa ang taong bayan naman umano ang
pumili at naghalal sa kanya kaya’t mas
mabuting dito nalang umano sya magpo-focus at kung ano ang kanyang mga legasiya
na maaaring makatulong sa pag-unlad ng taong bayan.
No comments:
Post a Comment