Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Makikipag-pulong ang grupo mula New Orleans sa ibat-ibang
agencies sa isla ng Boracay ngayong darating na Lunes at Martes.
Ito’y may kaugnayan sa nagdaang bagyong Yolanda nitong
nakaraang taon na humagupit sa ilang lugar sa Visayas lalo na sa probisnya ng
Aklan at isla ng Boracay.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar, mismong
mga taga New Orleans ang nagpatawag ng meeting para bigyan ng tips ang mga concern
agencies sa isla kung paano makakabangon matapos ang pananalasa ng bagyo at iba
pang kalamidad na posibleng tumama sa isla.
Layunin umano nito na matulungan ang Boracay lalo na at
ito’y isang tourist destination na kilala sa buong mundo na dinadayo ng napakaraming
turista.
Dagdag pa ni Ticar, limitado lamang ang dadalo sa
nasabing pagpupulong na pangungunahan ni Malay Mayor John Yap, Boracay
Foundation Inc. President Joeny Salme, Ariel Abriam ng PCCI Boracay, Mabel
Bacane ng Redevelopment Task Force at BTAC Officer in charge P/Insp. Fidel
Gentallan at ang Philippine Coastguard.
Matatandaang ang New Orleans ay hinagupit ng hurricane
Katrina noong Agusto 25, 2005, kung saan maraming mga bahay, imprastrartukra at
pangkabuhayan ang nasira at nag-iwan din ng napakaraming taong namatay.
Nabatid na sa kabila ng nagyaring dilobyo sa kanilang
bansa ay mabilis silang nakabangon dahil sa kanilang pagiging handa at naibalik
sa ayos ang kanilang turismo.
Ito rin umano ang kanilang gustong mangyari sa Boracay at
buong probinsya ng Aklan para sa mabilis na pagbangon sa anumang magdaang
kalamidad sa hinaharap.
No comments:
Post a Comment