Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay DOT Officer-In-Charge Artemio “Tim” Ticar.
Nagpapasalamat sila ngayon at wala silang naitala o
anumang natatanggap na report na merong mga ganitong kaso sa isla ng Boracay.
Gayonpaman, nagpapatuloy parin umano ang kanilang
mga programa at kampanya para protektahan ang kabataan sa isla ng Boracay lalo
na’t ito ang karaniwang destinasyon ng iba’t-ibang mga turista para
magbakasyon.
Ayon pa kay Ticar hindi naman kasi malayo sa
posibilidad na mangyari rin sa isla ang nangyayaring child pornography sa ibang
lugar dahil sa iba’t-ibang mga tao ang dumadayo rito.
Kaya’t kaakibat umano ang Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) at iba pang mga ahensya ay binabantayan at kanilang
sinisiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Nabatid, na samo’t-saring mga programa at
regulasyon narin ang ipinapatupad ng lokal na pamahalaan sa Boracay para mas
lalo pa itong maging kaaya-aya para dayuhin ng mga bakasyunista.
Ang child pornography ay isang uri ng protitusyon
na ang karaniwang sangkot ay mga kabataan kung saan ginagamit ang internet
bilang komunikasyon.
Ang mga mahuhuli rito ay maaaring kasuhan sa ilalim
ng batas na R.A No. 7610 o an act providing for stronger deterrence and
special protection against child abuse, exploitation and discrimination, and
for other purposes.
No comments:
Post a Comment