Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinalakay kahapon sa Session ng Sangguniang Bayan ng
Malay ang ibat-ibang problema sa Cagban at Caticlan Jetty Port.
Ito’y matapos na imbitahin ng SB Malay si Jetty Port
Administrator Niven Maquirang para ipaliwanag sa kanila ang patakaran ng “no
sticker no entry policy” na isa sa naging problema kamakailan lang.
Hindi lamang tungkol sa mga sasakyang walang sticker na
pumapasok sa Cagban jetty port ang tinalakay sa session kundi maging ang
pakikitungo ng mga security personnel sa mga turista.
Personal namang ipinaabot ni SB Member Rowen Aguirre at
SB Member Floribar Bautista ang kanilang mga obserbasyon sa labas at loob ng
jetty port kabilang na ang pakikitungo ng mga empleyado at maging ang mga
sirang pasilidad sa pantalan.
Ilan pa sa mga napansin ng mga konsehales ay ang sobrang
dami ng mga commercial signboards sa labas ng pantalan na halos hindi na
maganda tingnan sa mata ng mga turista, gayon din ang sira-sirang hagdan na
paakyat at pababa ng bangka na halos kinakalawang na.
Maliban dito, nais namang pagandahin pa ng SB Malay ang Jetty
Port para maging isang International standard.
Nangako naman si Maquirang na bibigyan niya ng pansin ang
mga ipinaabot sa kaniya ng mga konsehales para sa ikakabuti ng kanilang
serbisyo at lalong lalo na ng isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment