Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay
Personal na makikiisa sa pananalangin para sa bansa si
BFI o Boracay Foundation Incorporated President Jony Salme.
Ito’y may kaugnay sa gaganaping National Day of Prayer
mamayang hapon sa Malacañang Palace grounds sa Manila na pangungunahan mismo ni
Pangulong Aquino.
Bagama’t hindi umano nila napag-usapan sa BFI ang tungkol
dito.
Sinabi ni Salme na kanyang susuportahan ang espisyal na
aktibidad para sa pagkakaisa ng lahat.
Ayon naman kay Presidential Communications Operations
Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr.
Makiisa sa Pangulo sa pagdarasal ang mga kinatawan ang
mga representante ng mga lugar na lubhang naapektuhan ng Typhon Yolanda, mga
naapektuhang kumunidad sa Zamboanga standoff, at ng lindol sa Bohol.
Maliban dito, susuporta din ang mga kinatawan ng
iba’t-ibang pananampalataya katulad ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Police
Superintendent Imam Ebra Moxsir ng Imam Council of the Philippines,
Commissioner Zenaida Pawid of the National Commission of Indigenous Peoples,
Isaias Samson of Iglesia ni Cristo, at Bishop Jonel Milan of the Philippine
Council of Evangelical Churches.
No comments:
Post a Comment