Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Base sa inilabas na kalatas ng LGU Malay,
partikular na pinasususpende ang permit to transport o permit to operate ng mga
single na motorsiklo epektibong ngayong byernes.
Nakasaad rin dito na ang pag-renew ng transport
permit ng lahat ng uri ng sasakyan ay kailangan munang dumaan sa Malay
Municipal Action Center.
Pinapayuhan din ang mga ito na ipresenta ang
original copy ng transport permit sa panahon ng pagpoproseso sa pag-rerenew
nito, Barangay Clearance, vehicle OR/CR at dalhin ang sasakyan para sa
pag-inspeksyon.
Kapag naibigay na umano ang sticker nito,
kinakailangan na dalhin muli ang mga sasakyan para sa pagkabit o pagdikit ng
mga taga Transportation Office.
Samantala, ang LGU Malay ay maglalagay rin ng mga
aprobadong tariff rates stickers o listahan ng mga pamasahe sa lahat ng mga
franchise tricycles sa Boracay (BLTMPC) at sa mainland (MATODA) para sa
impormasyon ng mga pasahero.
Kung sino man ang makitaang lalabag dito ay maaring
i-reklamo sa Police Station, MAP Office, transportation Office at sa Local
Franchising Office.
No comments:
Post a Comment