Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aprobado na sa third at final reading ng
Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang ordinansang nagbabawal sa pagsisiga ng
kahit anong materyales malapit sa mga poste at iba pang pampublikong kagamitan.
Sa ginanap na 3rd regular session ng SP
Aklan nitong myerkules sinang-ayunan ng mga myembro ng konseho ang mosyon ng
sponsor nitong si Atty. Plaridel Morania na aprobahan na ang nasabing ordinansa.
Ayon kay Morania, isa mga dahilan kung bakit ginawa
ang ordinansa ay dahil sa mapanganib ang pagsisiga malapit sa mga poste at
maaari ring maantala ang mga serbisyo ng mga kompaniya na nagsisilbi sa isang
komunidad.
Samantala, inihalintulad din nito na ang pagsisiga
halimbawa malapit sa mga poste ng kuryente ay maaaring maging dahilan ng sunog.
Dagdag pa ni Morania na merong mga pasaway na
residente kaya’t kailangan talaga na mayroong ganitong ordinansa para masiguro
ang kaligtasan ng bawat isa.
Samantala nanawagan naman ito ng kooperasyon sa mga
residente sa pagpapatupad ng nasabing ordinansa.
Matatandaang ipinagpaliban muna ang pagtalakay sa
nasabing ordinansa noong 12th regular session ng SP Aklan para sa
kaukulang pag-aaral.
No comments:
Post a Comment