Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos ibinaba ng LGU Malay ang isang
moratorium para sa mga itatawid na motorsiklo sa isla epektibo ngayong Biyernes.
Nadiskubre umano kasi mismo ng LGU na may mga peke
o dinoktor na permit to transport at sticker ng mga motorsiklo dito.
Bagay na kinumpirma ni mismong Senior Transportation
Regulation Officer Cesar Oczon Jr. ng Municipal Transportation Office.
Sinabi nito na may mga motoristang dinoktor ang
kanilang mga dokumento dahilan upang malaya ang mga itong makapasok sa isla.
Samantala, sinabi din ni Oczon na ang mga may-ari
ng motor na nahuli at nagkaroon na ng hanggang tatlong paglabag ay maaari
umanong tanggalan ng permit to transport at pagmumultahin.
Nabanggit din ni Oczon na noong nakaraang taon ay
nagkaroon din sila ng temporary suspension dahil sa mga pagkalat ng mga pekeng
permit.
Muli naman nitong ipinaalala na hanggang ngayon na
lamang ang pag-proseso sa pagkakaroon ng permit to transport dahil sa magiging
epektibo na sa araw ng Biyernes ang nasabing kautusan.
No comments:
Post a Comment