YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 23, 2014

Operasyon ng helmet diving sa Boracay, hihigpitan ng LGU Malay at Life Guard Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maaaring higpitan ng LGU Malay at ng life guard Boracay ang operasyon ng reef walker o helmet diving sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos mapag-alaman na tatlo sa sampung nagkakaroon ng helmet diving activity sa isla ay hindi sinusunod ang ordinansang ipinalabas ng LGU Malay.

Ayon kay Boracay Life Guard Supervisor Miguel “Mike” Labatiao, sadyang mayroong mga pasaway na nasasagawa ng nasabing aktibidad sa hindi tamang lugar kung kayat kadalasang nasisira ang mga corals dahil sa angkla ng kanilang bangkang ginagamit sa helmet diving activity.

Sa ngayon umano ay iisang bangka nalang ang kanilang pinapayagang gamitin para sa lahat ng  helmet diving activity sa Boracay para maiwasan ang anumang disgrasya at pagkasira ng mga korales.

Sa kabilang banda nasa second-reading na ngayon ng SB Malay ang operasyon na nag-aamyenda sa reef walker o helmet diving sa Boracay.

Ito’y makaraang talakayin sa Session ang nasabing problema dahil sa hindi pagsunod sa itinalagang area ng operasyon para dito at nag-uutos na bigyan ng parusa ang lalabag sa Municipal Ordinance No. 314, series of 2012.

1 comment:

  1. wow...really??
    ang kaibigan ko po my video at litrato ng association balsa kung saan nka angkla ang platform nila sa mga coral reefs sa ilalim ng tubig, so huwag po silang mag sabi ng mga maling pagbibintang sa 3 companya ng HELMET DIVING. sumusunod naman po yung 3 company sa tinatawag na ordinance, Pero mukhang na mmersonal sila..pinapahirapan nilang mag renew ng mayor's permit yung 3 Company ng helmet dive, Dahil matitigas dw ang mga ulo nito at marami pa silang dahilan! pati ang mayor ng malay ay dinadawit pa nila..

    ReplyDelete