Posted October 17, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y sa sandaling baklasin na ang mga inilagay na wind
at bamboo wave breaker na siyang ginamit bilang pananggalang sa Habagat.
Nabatid na kasabay ng pagpasok ng Amihan ay ang pagbaklas
ng mga ito sa pangunguna ng BRTF at may-ari ng mga establisyemento na naglagay
ng kanilang Wind at bamboo wave breaker.
Ayon sa Boracay Redevelopment Task Force sisimulan nila
itong baklasin sa patatapos ng Habagat Season.
Napag-alaman na ang wind breaker ay siyang ginagamit para
hindi gaanong maapektuhan ng hanging habagat ang mga establisyemento sa front
beach na nilagay pa noong natapos ang summer season.
Habang ang bamboo wave breaker naman ay siyang tumutulong
para hindi gaanong hampasin ng malakas na alon ang ilang bahagi ng
establisyemento sa front beach.
Sa kabilang banda opisyal na ring dineklara ng Pagasa na
panahon na ng amihan kaya't malamig ang simoy ng hangin.
Samantala, ang pagpasok ng amihan ay isa rin sa
ginagawang batayan ng Department of Tourism (DOT) bilang peak season sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment