Posted October 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon sa Holy Rosary Parish Boracay, halos ‘all set’
na rin ang lahat para sa nasabing kasalang bayan.
Paalala pa ng simbahan, hanggang November 5 lamang
ang pagtanggap ng mga aplikante kung kaya’t dapat kumpletuhin na at ipasa ang
mga requirements katulad ng birth certificate, baptismal certificate,
confirmation certificate at marriage contract kung ikinasal na sa huwes.
Magugunitang sinabi ng HRP Boracay na dapat
magpakasal ang mga lalaki at babaeng nagsasama bilang mag-asawa dahil bahagi
umano ito ng Kristiyanong obligasyon.
Samantala, nabatid na taunang programa ng HRP Boracay at Nami Resort ang nasabing mass wedding.
No comments:
Post a Comment