Posted October 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagreklamo sa BTAC ang isang babae sa Boracay matapos na umano’y pinagtangkaan
itong saksakin ng gunting at sinunog ang mga gamit ng kapwa babae.
Ayon sa blotter report ng BTAC, dumating ang suspek
sa boarding house ng biktima alas dyes ng gabi at walang probakasyong
kinompronta ito saka pinagtangkaan umanong saksakin ng gunting.
Mabilis namang nakapagtago ang biktima sa iba pa
nitong mga ka-boardmate sa lugar, kung saan pagkalabas umano nito ay saka
pumasok ang suspek sa kanyang kwarto at kinuha ang kanyang mga damit at sandals
at sinunog sa labas ng kanyang boarding house.
Dagdag pa ng biktima na sinira din umano ng suspek ang kanyang charger at cellphone.
Tinangay din umano nito ang kanyang wallet na
naglalaman ng hindi matukoy na halaga ng dollars saka tumakas sa lugar.
Samantala, patuloy naman ngayon na iniimbestigahan
ng mga pulis ang kaso.
No comments:
Post a Comment