YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 15, 2014

Dahil sa inggit, lalaki sa Makato, Aklan sinaksak

Posted October 15, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Plano umanong magsampa ng kaso ng pamilya ng isang lalaking sinaksak sa Makato, Aklan kahapon.

Ayon kay PO1 Kynch Parce ng Makato PNP, inggit ang dahilan kung bakit sinaksak ng suspek na si Narciso Torera, 56 anyos ng Tugas, Makato, Aklan ang biktimang si Emilio Tabernilla, 41 anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon, nainggit kung kaya’t kinompronta umano ng suspek ang biktima dahil sa ipinapagawa nitong bahay na mula sa assistance para sa biktima ng bagyong Yolanda.

Nauwi sa pananaksak ang komprontasyon dahilan upang isugod sa pagamutan ang biktima matapos masugatan sa kamay at tagiliran.

Samantala, inihahanda naman ang kasong frustrated homicide sa suspek matapos itong maaresto ng mga pulis.

No comments:

Post a Comment