Posted October 15, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Muling nagharap sa isang pagpupulong ngayong araw
ang TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority at Boracay
Redevelopment Task Force.
Magugunitang iniskedyul mismo ni Boracay Island
Administrator Glenn SacapaƱo ang pagpupulong ngayong araw sa kabila ng
pag-meeting na nila nitong nakaraang linggo kasama ang Boracay Foundation
Incorporated.
Ayon pa kay SacapaƱo, muling pag-uusapan ang
problema sa drainage project ng TIEZA pati na ang street lights at kalsada sa
Boracay kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng DENR at DPWH.
Umaasa naman ang task force na matutuldukan na ang
mga nasabing problema lalo pa’t nalalapit na ang 2015 APEC Hosting ng Boracay.
No comments:
Post a Comment