YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 13, 2014

Chinese national na pinag-lockan ng kwarto nagreklamo sa pulis

Posted October 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inereklamo ng dalawang lalaking Chinese national sa Boracay ang isang babaeng Chinese matapos na umano’y pinag-lockan sila ng kwarto.

Sumbong ng dalawa sa BTAC, alas singko ng hapon kahapon nang mapansin ng mga ito sa kanilang pagbalik na bukas na ang bintana ng kanilang inuupahang kwarto sa Balabag Boracay.

Nang suriin ay saka nalaman na naka-padlock pala ito kaya pwersahan nilang sinira ang pinto para makapasok at e-check ang mga gamit.

Ayon sa report ng BTAC, wala namang nawala sa kanilang gamit subalit nagalit ang mga ito sa isang babaeng Chinese national sa loob ng kanilang kuwarto at nag-lock ng pinto.

Ayon sa mga nagrereklamong tsino, walang patunay na ang nasabing babae ang umupa sa nasabing kwarto kung kaya’t nagtaka rin ang mga ito kung bakit doon tumuloy ang babae.

No comments:

Post a Comment