Posted October 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsimula na sa kanyang panunungkulan bilang bagong chief
of Internal Affairs Service ng probinsya ng Aklan si Police Senior Inspector
Lendry Gelante Torrato.
Si Torrato ay nakatalaga ngayon bilang bagong provincial
superintendent of Internal Affairs Service (IAS) sa Camp Pastor Martelino
Kalibo, Aklan.
Nagsimula ang kanyang panunungkulan nitong Oktobre-1
kapalit ni Senior Inspector Eugenio Dionisio, Jr. na ngayon ay nakatalaga sa
Internal Affairs Service ng PNP sa Antique.
Nabatid na si Torrato ay tubong Tigbauan, Iloilo at
presenting nakatira sa Bacolod City, kung saan din siya itinalaga bilang deputy
provincial superintendent ng Negros Occidental PIAS.
Napag-alaman na ang IAS ay walang kinikilingan at
inatasan para sa pagdidisiplina sa mga pulis para paghusayin ang kanilang serbisyo
kasama na ang pag-dipensa sa katarungan sa ilalim ng Philippine National Police
(PNP) Reform and Reorganization Act of 1998.
Samantala, sinabi ni Torrato na makikipag-coordinate siya
sa mga chief of police sa Aklan Police Provincial Office para sa investigative,
inspection, audit at pag-diseplina lalo na sa
mga police sa ibat-ibang units.
No comments:
Post a Comment