Posted October 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Determinado umano ang TIEZA o Tourism Infrastructure and
Enterprise Zone Authority na matapos ang mga drainage project bago ang APEC
2015.
Sa kabila ito ng pag-amin ng TIEZA na marami pang
kinakaharap na problema ang drainage sa isla katulad ng mga illegal
connections.
Ayon kay Engineer Giovanni Rullan ng TIEZA, kailangan pa
nilang dugtungan ng concrete pipe o sementadong tubo ang drainage sa Bolabog
beach bago tuluyang paganahin ang kanilang pumping station sa Barangay Balabag.
Magkaganon paman, sinabi pa ni Rullan na pagtutulungan
nila ng Boracay Redevelopment Task Force na matapos ang proyekto bago ang APEC
Hosting.
Nabatid na kasama rin ang DPWH at DENR sa ginanap na
pulong nitong nakaraang araw upang mapag-usapan kasama ang stakeholders ang iba
pang paghahanda sa darating na APEC 2015.
No comments:
Post a Comment