Posted October 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Umapela ngayon si Malay Mayor John Yap sa
kooperasyon ng Boracay Action Group (BAG) para sa high season sa Boracay.
Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony kaninang
umaga, sinabi ng alkalde na maliban sa pagkakaroon ng command center sa isla ay
kailangan din umano ang kooperasyon at suporta galing sa iba’t-ibang grupo lalo
na ng BAG.
Anya, ang mga ito ay ang syang magiging kaakibat ng
mga pulis para matiyak ang seguridad ng publiko lalo na ng mga bakasyunista at
turista sa Boracay.
Samantala, kasabay ng high season muling
ipinaliwanag ni Yap na ang pagtutulungan ng pulisya at komunidad ay
magsisilbing susi ng matagumpay na paglaban sa kriminalidad.
Pinasalamatan naman nito ang ilan pang Non-Government
Organization (NGO) sa isla na tumulong para mapangalagaan ang seguridad ng Boracay.
No comments:
Post a Comment