YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 16, 2014

Resolusyon na naglalayong paigtingin ang TB Control Program sa Aklan, sinuspende muna ng SP

Posted October 15, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sinuspende muna ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang resolusyon na naglalayong paigtingin ang TB Control Program sa probinsya.

Sa ginanap na SP Regular Session, pinagkasunduan ng konseho na e-deferred muna ito o suspendehin dahil sa pagsasaalang-alang ng ilang mga bagay.

Nabatid na ang nasabing resolusyon na ini-akda ni SP Member Nelson Sta. Maria ay naglalayong paigtingin pa at magkaroon ng sapat na implementasyon ng mga programa para sa sakit na tuberculosis (TB).

Kaugnay nito, inaasahang magkakaroon din ng ibat-ibang plano ang gobyerno tungkol dito katulad ng paglalagay ng Multi-drug-resistant TB Satellite Treatment Center  sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.

No comments:

Post a Comment