Posted October 13, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Arestado ang isang estudyante matapos makuhaan ng ilegal
na droga sa dala nitong isda para sa isang inmate ng BJMP sa Kalibo kahapon ng
tanghali.
Kinilala ang naarestong si Duram Ambay Surilla,19-anyos, residente
ng Barangay Centro Weste Poblacion, Libertad, Antique at nag-aaral sa Aklan
Polytechnic College.
Nabatid na dakong alas-12 kahapon ng tanghali nang ihatid
umano ni Surilla ang isda sa inmate na kinilalang si Jelson Lopez ng Silay
City, Negros Occidental.
Ngunit sa ginawang inspeksyon ng mga Jail Guard sa loob
ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dito na-diskobrehan na may
lamang 7 sachet ng ilegal na droga sa hasang ng isdang galunggong.
Agad namang nagsagawa ng embistigasyon ang mga otorodidad
sa sinasabing suspek kung saan mariin naman nitong itinatang ay na hindi niya
alam na may kasama palang shabu ang nasabing isda.
Aniya, sumama lang siya sa kanyang ka-boardmate na si Rey
Napat sa BJMP kung saan inutusan umano siya nito na ibigay ang plastic bag kay
Lopez na may lamang isda at karne ng baboy habang hinayaan lang umano siyang pumasok
sa loob.
Samantala, ayon kay Prosecutor 1 Flosemer Chris Gonzales nahaharap
ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165 o ang
Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 dahil sa illegal transport ng droga na
tinatayang nagkakahalaga ng P10,500.
No comments:
Post a Comment