Posted August 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pormal ng natanggap ng Local Government Unit ng Malay ang
Official Letter mula sa National Organizing Committee (NOC) para sa pag-host ng
APEC 2015.
Ito ang sinabi ni 2015 APEC Malay Task Group Focal Person
at SB Member Rowen Aguirre matapos nilang matanggap ang nasabing sulat.
Dito umano nakalagay na ang isla ng Boracay ay isa sa mag
ho-host ng APEC kabilang ang probinsya ng Iloilo at ilang Rehiyon sa bansa.
Samantala, nagkaroon na rin umano sila ng groupings
kasama ang mga specific sectors sa isla na kabilang sa mga isinagawang meeting kaugnay
sa APEC 2015 sa Boracay.
Dagdag pa ni Aguirre may isinumite din umanong plano sa
kanila ang NOC kung anong mga pagsasaayos ang kailangan nilang gawin para sa
Boracay na host ng Ministerial Meeting sa May 2015.
Sa kabilang banda sinabi
pa nito na noong nakaraang inspeksyon ng NOC sa isla ay naghanap na rin umano sila
ng mga venue na siyang gagamitin para sa nasabing Pulong.
No comments:
Post a Comment