Posted August 1, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ito umano ang parehong dapat sisihin sa mabigat na daloy
ng trapiko sa Boracay.
Katunayan, sinabi ni MAP o Municipal Auxiliary Police Deputy
Chief Rodito Absalon Sr.na palagi nilang ipinapaalala partikular sa mga drayber
sa isla ang tungkol sa mga designated area o lugar kung saan dapat magbaba ng
pasahero o kung saan liliko.
Maliban sa mga drayber, aminado rin si Absalon na may mga
pasahero ding pasaway at hindi sumusunod sa batas trapiko.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang nasabing MAP Deputy
Chief sa mga drayber at pasahero na sumunod sa batas upang maiwasan ang
pagsikip ng daloy ng trapiko.
Samanlata, napag-alamang isa rin sa mga nagdudulot ng
mabigat na trapiko sa Boracay ang madalas na pagparada o pagpark ng mga
sasakyan sa road shoulder na mahigpit namang ipinagbabawal ng ordinansa.
No comments:
Post a Comment