Posted July 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Opisyal nang kinonsedera ang isla ng Boracay bilang isa
sa mga venue ng isasagawang Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit
2015.
Base sa mga nagsilabasang balita sa mga pahayagan isa sa
mga nakatanggap ng sulat mula kay Director General Marciano Paynor Jr. ng APEC
2015 si Aklan Governor Florencio Miraflores na ang Boracay ay isa sa anim na
Rehiyon sa bansa ang opisyal na pagdadarausan ng APEC Ministerial Meeting.
Ito ay kinabibilangan ng Metro Manila, Bataan, Clark
Pampanga, Tagaytag City, Cavity, Legazpi City, Albay sa Bicol Region, Boracay Aklan
at Iloilo City para sa Western Visayas at Metropolitan Cebu sa Central Visayas.
Sinabi pa ni Paynor na ang Boracay ang mag ho-host ng
pangalawang Senior Official Meeting at related meetings sa May 10-21, 2015 at
Ministers Responsible para naman sa Trade sa May 23-24.
Nabatid na aabot sa 1900 delegates ang a-attend sa Second
Senior Officials Meeting habang 600 delegates naman sa Ministers Responsible
for Trade.
Samantala, ang Department of Tourism (DOT) Boracay ay
nag-aantay naman ng official documents mula sa Palasyo na pirmado ni Pangulong
Aquino III para dito.
No comments:
Post a Comment