Posted July 31, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit by Aklan Province |
Nasungkit ng bayan ng Malay ang kauna-unahang Joeben Miraflores Rescue Olympics 2014 na
isinagawa nitong Hulyo 25 sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Catherine Ong ng MDRRMO nilahukan ito ng 12
Munisipalidad sa Aklan na kinabibilangan ng pitong partisipante bawat bayan.
Apat na katergorya umano ang pinaglaban dito katulad ng
Best Extrication, Best in Rescue Equipment Display, Best in Uniform at Best in
Fire Fighting.
Samantala, ang mga partisipante sa bayan ng Malay ay
sinanay sa ibat-ibang training ng isang linggo sa pangunguna ng Municipal Disaster
Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ng mga trained volunteers.
Isa namang pagbati ang ipinaabot ni Malay mayor John Yap
dahil sa pagkapanalo ng kaniyang grupo sa Ist Joeben Miraflores Rescue Olympics
2014.
No comments:
Post a Comment