Posted August 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Handang-handa na ang Municipal Disaster Risk Reduction
and Management Office (MDRRMO) ng Malay sa anumang kalamidad.
Ito ang sinabi ni Malay Local Government Operations
Officer (MLGOO) V Mark Delos Reyes, base sa kanilang assessment sa pagdiriwang
ng National Disaster Consciousness Month nitong buwan ng Hulyo.
Anya, isa na rin sa mga magpapatunay rito ang pagkampeon
ng MDRRMO Malay sa katatapos lamang na 1st
Joeben Miraflores Rescue Olympics 2014 na isinagawa nitong Hulyo 25 sa bayan ng
Kalibo.
Samantala, kung kagamitang pang-rescue naman ang
pag-uusapan ay halos kumpleto na rin umano ito.
Muli ding ipinasiguro ni Delos Reyes ang agarang
pag-responde ng MDRRMO sa panahon ng mga kalamidad sa bayan ng Malay lalo na sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment