YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 30, 2014

Floating hospital para sa APEC 2015 sa Boracay, ilalagay ng NOC

Posted July 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maglalagay umano ang National Ocular Inspection Team (NOC) ng Floating hospital sa Boracay para sa inaasahang pagdaraos ng APEC Summit 2015 sa isla.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, ilalagay umano ito sa beach area habang under renovation pa sa ngayon ang Boracay hospital kung saan baka hindi umano ito maihabol.

Samantala, mag-aantabay nalang din ang mga ilalagay na nurse at doktor sa mga klinika sa isla na isa rin sa mga gagamitin sakaling may pasyente.

Sa kabilang banda tinatayang hindi bababa sa dalawang libong partisipante ang kasali sa APEC Summit 2015 sa Boracay kabilang na ang ilang media at ang kanilang mga pamilya.

No comments:

Post a Comment