YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 29, 2014

Mga taga Boracay Muslim Community, nagpasalamat sa pagtatapos ng Ramadan

Posted July 29, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Walang pasok at wala ring opisina ngayong araw.

National Holiday kasi ngayon kasabay ng pagtatapos ng Ramadan.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ng mga taga Boracay Muslim Community na nagtapos na ang kanilang pagdiriwang kahapon.

Ayon sa ilang taga Muslim Community sa isla, nakita na kahapon ang buwan sa bansang Malaysia na siya umanong hudyat ng pagtatapos ng isang buwan nilang pag-aayuno.

Samantala, pinaghahandaan na rin umano ng mga kapatid nating mga muslim ang nalalapit na pagdiriwang nila ng Eid al-Adha pagkatapos naman ng Ramadan.

Nabatid na ang pagtitipon-tipon ng mga kapatid na muslim sa kanilang mosque o simbahan upang magdasal at magbatian sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak, ang tinatawag na major highlights ng pagdiriwang ng Ramadan.

Itinuturing naman ng DOT o Department of Tourism Boracay na malaki ang naiaambag ng mga Muslim sa turismo ng isla.

No comments:

Post a Comment