YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 28, 2014

Lalaking nagtutulak ng illegal na droga sa Boracay, timbog sa buy bust operation; 6 na sachet ng shabu, nasabat

Posted July 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy ang kampanya ng mga kapulisan laban sa ipinagbabawal na droga partikular sa isla ng Boracay.

Katunayan, isang matagumpay na buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Boracay PNP Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) ang nagresulta sa pagkakaaresto ng lalaki sa Barangay Manoc-manoc kagabi.

Nakilala sa report ng Boracay PNP ang mga suspek na si Joebert Trompeta alyas “Beboy”, 32 anyos ng Bliss Site Kalibo, Aklan.

Nasabat mula sa suspek ang anim na sachet ng shabu, isang unit ng cellphone na naglalaman ng mga illegal drug transactions at walong piraso ng isang daang piso.

Samantala, nakuha rin mula sa poseur-buyer ang isang sachet ng shabu at isang libong piso na ginamit bilang marked money.

Nakatakda ngayong e-turnover sa Kalibo Police Station ang suspek, kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

No comments:

Post a Comment