YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 28, 2014

BIWC at Philippine Red Cross, sanib pwersa sa paglikom ng dugo ngayong Bloods donors Month

Posted July 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Magsasama para sa isang Blood donation ang Boracay Island Water Company (BIWC), Panay Andoks at ang Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter.

Ito ay may kaugnayan sa pagdriwang ng Blood donors Month ngayong buwan ng Hulyo kung saan may tema itong “Safe Blood for Saving Mothers”.

Ayon naman kay BIWC Regulatory Planning and External Affairs Rommel De Vicente, pinag-usapan umano nila ito ng mabuti at pinag-planuhan para matulungan ang mga Nanay na nangangailangan ng dugo.

Samantala, ngayong Lunes naman ay nagkaroon ng head count ang BIWC na kinabibilangan mismo ng kanilang mga empleyado.

Nabatid na gaganapin ito bukas araw ng Martes sa BIWC compound kung saan inaasahan nilang aabot sa limampu o pitumput limang katao ang mag do-donate ng kanilang dugo.

Sa ngayon hinihikayat naman ng Philippine Red Cross ang mga nais mag donate ng kanilang dugo lalo na ang mga kalalakihan para makatulong sa kanilang programa lalo na sa mga dakilang Ina.

No comments:

Post a Comment