Posted July 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Masayang nakibahagi ang nasa 84 na mga successful blood
donors sa isinagawang bloodletting activity kaninang hapon.
Ang nasabing aktibidad ay proyekto ng Philippine
Red Cross (PRC) sa pakikipagtulungan ng Boracay Island Water Company (BIWC),
Panay Andoks, YES FM Boracay at Easy Rock Boracay upang matulungan ang mga nanay
na nangangailangan ng dugo.
Ito’y kaugnay parin sa pagdriwang ng Blood donors
Month ngayong buwan ng Hulyo, kung saan may tema itong “Safe Blood for Saving
Mothers”.
Ilan lamang sa mga nagpakuha ng dugo ay ang mga
pre-screened donors mula sa LGU, Malay,
PNP, Coastguard, Yes FM at Easy Rock Boracay at BIWC .
Samantala, patuloy naman na nagpapasalamat ang Red
Cross sa walang humpay na suporta ng iba’t-ibang mga organisasyon para tumulong
sa kapwa.
No comments:
Post a Comment