Posted August 1, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Naghahanda na rin ngayon ang MSWD Malay para sa nalalapit
na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa Boracay.
Ayon kay Malay Municipal Social Welfare and Development
(MSWD) Head Magdalena Prado.
Kabilang na rito ang problema sa mga batang nagtitinda sa
beach front ng isla, kung saan mapilit sa mga turista na bilhin ang kanilang
mga tinitindang gamit at inaabot pa ng gabi sa beach front sa pagtitinda.
Anya, naka-plano na ang mga hakbang na gagawin para sa
mga batang ito gayundin ang pagpunta sa mga kabahayan at kampanya sa mga
magulang na bantayan ang kanilang mga anak.
Sinabi din ni Prado na maaaring makasuhan ang mga
magulang ng mga nasabing bata kapag malaman ng DSWD na inuutusan ang mga itong
magtinda sa baybayin ng isla.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ng nasabing
ahensya sa kooperasyon ng mga baranggay officials gayundin sa mga magulang ng
mga bata na bigyan sila ng impormasyon para sa ikakaayos ng problema.
No comments:
Post a Comment